Kumusta po! Ito po si Yona, o sabihin ko po na, ito po si Jossa Jireh Louise G. Manalili. Tawag po ng karamihan sa 'kin na "Jossa" kung sa araw-araw at tawag naman ng karamihan sa mga kasama ko sa local geek and otaku communities na "Yona," galing sa isang sikat na Japanese seiyuu na si Tsubasa Yonaga.
Hello! This is Yona, or I should say, this is Jossa Jireh Louise G. Manalili. Many people called me "Jossa" in everyday living, and the local geek and otaku communities called me "Yona," after the notable Japanese seiyuu Tsubasa Yonaga.
Ako po ay ipinganganak noong Agosto 13, 1993 sa Lungsod Quezon at ang mga magulang ko ay sina Luisito T. Manalili at Josephine R. Garbo na parehong pumanaw dulot ng mga natural na dahilan. Ako po ang nag-iisang babae at bunso sa tatlong magkakapatid, kaya madalas po akong spoiled sa mga bagay-bagay, bagamat ay hindi na po masyado nung pumapatak na ang young adult age bracket ko.
I was born on August 13, 1993 in Quezon City and my parents are Luisito T. Manalili and Josephine R. Garbo who're both passed away due to natural causes. I am the only girl and the youngest among the three siblings, so I often spoiled on anything, although I'm no longer much when I reached my young adult age bracket.
Nagtapos po ako ng elementarya sa Divine Mercy Learning Centre noong 2006 at ng sekondarya naman sa North York Allied Institute noong 2010, ang kasunod ay nakatanggap ako ng 2nd Honorable Mention. Samantala, hindi po akong nakatapos ng kolehiyo na may kursong AB Mass Communication dulot ng kakulangan sa pinansyal at iba pang kadahilanan kaya kailangan ko pong tumigil. Subalit kahit ganito po ang sitwasyon ay hindi ito hadlang upang mahasa ako sa iba't ibang kakahayan tulad ng pagimbentaryo ng mga produkto, paglilinis ng kapaligiran at pagluluto ng iba't ibang putahe bukod sa pagiging magaling sa kompyuter at pagsasalita ng Ingles.
I finished elementary at Divine Mercy Learning Centre in 2006 and in secondary at North York Allied Institute in 2010. Meanwhile, I didn't able to finish my college taking the course of AB Mass Communication due to financial difficulties and other reasons so that's why I stopped. However despite that situation, this ain't hinder me from taking different skills such as product inventory, cleaning the surroundings and cooking different dishes aside from being computer literate and excel in speaking English.
Gayumpaman, sa aking ika-27 taon sa mundong ibabaw ay marami na po akong kinakaharap sa buhay at halos lahat na ito ay hindi biro. Ngunit napapasalamat po ako sa Poong Maykapal na siyang nagbigay sa akin ng buhay, sa dalawang kong kuya at sa lola ko na si Mamay Zening na silang ang nagiging mga sandigan ko simulang pumanaw ang mami ko noong nakaraang taon, at sa mga taong totoong nagmamahal at nagtitiwala sa akin, hindi ko man silang babanggitin isa't isa, nagiging parte ko sila ng aking buhay kahit andami ko nang pagkukulang at pagkakamaling nagawa. Maraming salamat po sa mga nagbati sa akin ng maligayang kaarawan at mga magbabati pa lang ay salamat din po! Nawa'y itutuloy ko po pa rin ang misyon ko dito sa planetang ito para maghatid ng saya't lungkot, ng hirap at ginhawa, at ng pagiging produktibo. Ang aking hiling ko po ay magandang kalusugan sa aming magkakapatid at ang mga taong nakapaligid sa akin, at sana ay matapos na ang pandemya na ito upang makabalik sa normal ang lahat, pabagal man ngunit panigurado.
Therefore on my 27th year in this world, I faced a lot of challenges and almost all of them aren't a joke. But I would to thank the Divine Providence who gave me life, to my two big brothers and my maternal grandmother, Mamay Zening, who became my shoulders to carry on ever since my mom's passing last year, and to the people that truly loved and trusted to me, whom I may not mention them one by one, they're becoming part of my life even if I have too many lacks and mistakes commited. For those who're greeted me already a happy birthday, thank you and to the others who're about to greet me yet, thank you also! May this mission of mine in this planet will still continue to bring happiness and sadness, to bring tough and good times, and to be productive. My wish is to have good health among me and my siblings, and the people around me, and I hope this pandemic will be ended so that everything will be back to normal, slowly yet surely.
Ano ang birthday wish ninyo sa napakagandang may-akda ng blog na ito sa kanyang ika-27 kaarawan? Mag-komento dito, sa aking FB page o sa aking Twitter na @goddessyk13. Maraming salamat po sa pagbabasa ng isa na namang espesyal na post para sa Yona's Blog! Hanggang sa susunod na kontento, team, gang, fam!
What is your wish to the very beautiful author of this blog on her 27th birthday? Comment below, on my FB page or on my Twitter @goddessyk13. Thank you for reading another special post for Yona's Blog! Till the next content, team, gang, fam!
No comments:
Post a Comment