Thursday, August 27, 2020

MNL48's Generation Centers (Pre-3rd GE Special)

Sheki Arzaga and Aly Padillo, MNL48's two
generation centers. © Hallo Hallo Entertainment.

Ang bawat sister group ng 48G o isang idol group na magkatulad nito ay nagtutukoy sa isang miyembro na siyang magiging mukha ng buong grupo at may kaakibat na responsibilidad upang maipapakilala ng mga tao at ng buong daigdig, at siya rin ang front act sa mga galawan sa sayaw ng isang main at/o coupling single. Ang terminolohiya na ito ay tinatawag na center. Subalit kapag dalawang miyembro naman ang napili sa iisang single, ang tawag diyan ay WCenter (pagbigkas ay "double center").

Every sister group of the 48G or idol group that is similar to it refers to a member who is the face of the entire group in order to get known to the people and the world, and is also the front act on the dance moves in a main and/or coupling single. This terminology is called a center. However when two members are chosen for the same single, it is called a WCenter (pronounced as "double center").

May tatlong paraan para mailuklok bilang center ang isang miyembro - ang senbatsu sousenkyo o senbatsu general election na ginaganap kada taon at kung saan ang mga tagahanga ay pipili ng mga oshi nila gamit ang pagboto, ang management-picked kung saan ang management ay pipili ng mga miyembro sa pamamagitan ng isang close-door audition, at ang Janken Tournament kung saan maglalaban-laban ang mga miyembro gamit ang paglalaro ng jak-en-poy.

There are three ways in order for a member to become a center - the senbatsu sousenkyo or the senbatsu general election which is held every year and wherein the fans can choose their oshi using votes, the management-picked is where the management can be chosen selected members through a close-door audition, and the Janken Tournament is where members will be competed through the rock-paper-scissors game.

Gayumpaman, ang post na ito ay ipopokus sa dalawang center o ang mga mukha ng sister group ng AKB48 sa Pilipinas na MNL48 na parehong iniluklok ng mga tagahanga nitong mga dalawang nagdaang senbatsu general election, at ito'y sina Sheki Arzaga at Aly Padillo.

Therefore, this post will be focused on the two centers o the two faces of the AKB48 sister group in the Philippines that are both installed by the fans these past two senbatsu general elections, and these are Sheki Arzaga and Aly Padillo.


Alam naman natin na si Arzaga ay bukod sa pagiging golden ace at center ng unang tatlong single ng naturang grupo, siya rin ay naging dating defending champion ng Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime season one. At para sa kaalaman ng lahat lalong-lalo sa mga bagong tagahanga ng Emenel o MNLoves, siya ang bumubuhat sa parehong promosyon at halos lahat ng puna at batikos sa kanya at kapwang miyembro sa unang taon pa lang ng grupo matapos mabuo sa naturang noontime show.

We all know that Arzaga is aside from being the golden ace and center of the first three singles of the group, she's also the former defending champion of Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime season one. And to inform everyone especially the new fans of Emenel or MNLoves, she took the weight on both promotions and almost all the bashing and negative criticisms on her and fellow members on the group's first year following the formation on the said noontime show.


Samantalang si Padillo ay madalas nang naging mahiyain kahit matapos na opisyal nang kabahagi ng Emenel mapa-seitansai man o mall shows. Subalit, binubulaga ang karamihan sa mga tagahanga nang mailuklok siya bilang center sa itinuturing na pinakamalalang SSK sa kasaysayan ng 48G hanggan sa siya ay paunti-unting tinatanggap ng mga miyembro at tagahanga bilang pinakabagong mukha ng grupo. Mula noong maupo nito bilang Second Generation Center ay marami na ang nagbago sa kanya, kabilang rito ang pagpapabuti sa pagsasalita sa harap ng mga tao lalo ang paggamit ng wikang Filipino, pagkumpiyansa at pagtitiwala sa sarili, paglalabas ng inner fierce side niya, pagiging jolly at makulit, at mas naging makisalamuha sa mga miyembro at tagahanga.

Padillo meanwhile is often shy even after officially joined Emenel, whether in seitansai or mall shows. However, a lot of fans were surprised when she was installed as center in what would be the worst SSK in 48G history until she was slowly accepted by the members and fans as the group's newest face. Since her ascension into the throne as the Second Generation Center, a lot of things had changed, including her improvement in public speaking particularly the use of the Filipino language, her self-confidence and trust, unleashing her inner fierce side, becoming jolly and importunate, and more sociable towards the members and fans.


Sa nalalapit na Third General Election ay muling masusubukan ang katatagan ng bawat miyembro upang maging parte ng ikatatlong henerasyon ng grupo at ito rin ang pagkakataon upang maging karapatdapat sa pinakamataas na token na iyan. Bagama't ay may kani-kanilang manok ang mga tagahanga sa pagka-center para sa susunod na single tulad nina Abby Trinidad at Sela Guia na parehong nasa senbatsu mula "Aitakatta - Gustong Makita," ilan sa mga kilalang miyembro tulad nina Gabb Skribikin, Coleen Trinidad, Belle Delos Reyes at Brei Binuya, o ang mga underdog tulad Jamie Alberto, Cole Somera at Miho Hoshino, ang nasa isipan pa rin ng madlang MNLoves at mga wota kung muling ipahawak kay Arzaga ang trono o mananatili ito kay Padillo.

As the Third General Election nears, every member's stability will be tested once again in order to be part of the group's third generation and this is also the time to be deserved in the highest token. Although the fans have their own bets for the next single's center such as Abby Trinidad and Sela Guia who're both part of the senbatsu since "Aitakatta - Gustong Makita," some notable members like Gabb Skribikin, Coleen Trinidad, Belle Delos Reyes and Brei Binuya, or the underdogs like Jamie Alberto, Cole Somera and Miho Hoshino, whether Arzaga will handle the throne again or it'll be remained by Padillo is still on the minds of the MNLoves and the wota.


Gusto ninyong mapanatili si Padillo o ibabalik si Arzaga sa pagiging generation center ng Emenel at bakit? Nasa oshi list ninyo ang dalawa at bakit sila ang napili ninyo? Tapos kung meron kayong gustong i-share tungkol sa kanila ay pwede ninyong ikwento sa 'kin sa pamamagitan ng pag-komento dito, sa FB page o sa aking Twitter na @goddessyk13.

Do you want Padillo to remain or Arzaga to return as the generation center of Emenel and why? Are the two in your oshi list and why did you choose them? And if you wanna share about them then you can tell me using the comments box below, on my FB page or on my Twitter @goddessyk13.

No comments:

Post a Comment